Sa unang pagkakataon, nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kontrobersyal na Dengvaxia. Pinayuhan niya ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaang sangkot sa kontrobersyal na dengue immunization na magsabi na agad ng katotohanan.
Gayunman, naniniwala pa rin ang punong ehekutibo na umakto in good faith ang mga opisyal na sangkot sa pagpapatupad ng vaccination program tulad ni dating Health Secretary Janette Garin. Suportado naman niya ang pagkakaroon ng independent investigation hinggil sa isyu.
Hinggil naman sa pananagutan ng dati ring kalihim ng Health Department na si Paulyn Ubial na nagpatigil subalit nagpahintulot pa ring maituloy ang vaccination program, ito ang naging pahayag ng Pangulong Duterte sa isang panayam:
“Look, if I were the President and there’s a vaccine that was already paid for and the studies show according to the clinical studies of that company. I as president, ako rin sabihinko, you implement it if it would save lives, but ignorante man sila. There was also another follow-up study based on clinical studies that found the flaws, the errors maybe”.
( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )
Tags: Dengvaxia controversy, Garin, Pres. Duterte