METRO MANILA – Sa loob ng unang 7 buwan sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior, nakaka-8 biyahe na ito sa labas ng bansa.
Panghuli ang World Economic Forum sa Davos-Switzerland kung saan nakwestyon ang bilang ng kaniyang delegasyon.
Tinanong ng UNTV ang Presidente sa espesyal na media interview araw ng Lunes, January 23 kaugnay ng mga biyahe ng presidente.
Aniya, babawasan na ng kaniyang administrasyon ang foreign trips ngayong 2023.
Ito ay upang mai-follow up ang mga nakausap nitong business at economic leaders na nagpahayag ng interes na mamuhunan o magpalawig ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
Dagdag pa nito, ngayong 2023 ang confirmed na kaniyang dadaluhan ay ang nakatakdang apec economic leaders’ week sa San Francisco USA sa November 2023.
Paliwanag nito, mahalaga ang summit upang mapaigting ang relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas world’s leading economies.
Samantala, dumipensa naman ang presidente sa mga kumukwestyon sa sunod-sunod niyang biyahe abroad.
Aniya, kailangan niyang makipagkilala sa global partners bilang bagong presidente ng bansa.
ito ay upang mapatatag ang posisyon ng pilipinas sa international community.
Sa usapin naman ng transparency kung magkano na ang nagastos ng administrasyon ni PBBM sa foreign trips nito, ayon sa Presidente, wala pa siyang tiyak na halaga sa total expenses.
gayunman, tiniyak nito ang Transparency at Accountability sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Oras din aniyang ma-calculate ang kabuuang halaga ng expenses sa foreign trips, iuulat niya ito sa publiko.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pilipinas