Debt-to-GDP ng Pilipinas, bababa taon-taon mula 2023 – Rep. Salceda

by Radyo La Verdad | June 9, 2022 (Thursday) | 37393

Ipinahayag ng isang mambabatas na inaasahang magkakaroon ng pagbaba sa level ng debt-to-gross domestic product (GDP) kada taon simula 2023 hangga’t hindi pa bumababa ang fiscal conditions ng Pilipinas.

Mataas ang Debt-to-GDP ratio ng bansa na may 61% ngunit maaayos ito kung mahihigitan ang paglago ng GDP sa paglaki ng utang ayon kay Albay Rep. Joey Salceda.

Dagdag pa nito, dapat magsagawa ng marami pang fiscal space ang gobyerno sa halos P326-B upang maipagpatuloy ang pagpopondo sa “Build, Build,Build” program, Universal Health Care program, Free College Education program, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang serbisyo at hindi mapondohan ang debt service ng utang.

Dinepensahan ni Salceda sa Kongreso ang inihayag ni DOF Chief Economist at dating Undersecretary Gil Beltran na umabot sa P15.4-T ang utang ng pamahalaan ngayong 2022 na mas mataas ng P2.2-T.

Ayon kay Beltran, dahil ito sa revenue-eroding legislative proposals o mga bagong appropriations kung ang administrasyong Duterte ay hindi nagpatupad ng fiscal discipline pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Salceda, regular na inaalis ng House Committee on Ways and Means at House Committee on Appropriations ang tax exemptions at extra tax incentives at mga special appropriations sa revenue-negative bills.

Samantala, ayon sa pahayag ni Beltran, patuloy pa rin ang gobyerno sa pagsasagawa ng fiscal prudence bilang pagtugon sa COVID-19 pandemic.

(Ritz Barredo | La Verdad Corespondent)

Tags: ,