Foreign trips ni PBBM, mabuti sa bansa – Solons

by Radyo La Verdad | March 15, 2024 (Friday) | 6519

METRO MANILA – Ipinagtanggol ng mga kongresista ang foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Ito ay matapos ang paratang ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte na namamasyal lamang si PBBM sa ibang bansa.

Sa gitna ito ng pagbiyahe ng pangulo sa Germany at Czech Republic para sa working visits.

Ayon sa ilang ranking lawmakers, iba-iba ang estratehiya ng mga presidente.

At ang pagdayo sa ibang bansa ni PBBM ay para sa ikauunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Aniya, mas mainam kung susuportahan na lang ang kasalukuyang administrasyon.

Ngayong Linggo, bumisita ang Pangulong Marcos Junior sa Germany at Czech Republic.

Naniniwala ang presidenteng malaki ang maitutulong ng 2 bansa upang palakiin ang industriya ng Pilipinas.

Tags: , ,