Flood control projects ng MMDA at mga LGU sa Metro Manila, nakahanda na

by Radyo La Verdad | June 12, 2018 (Tuesday) | 5122

Walang binahang lugar at zero evacuees sa lungsod ng marikina kahit noong nakaraang linggo pa malakas ang mga pag-ulan.

Ayon sa alkalde ng lungsod, malaki ang naging tulong ng pagpapalalim at pagpapalapad sa ilog Marikina.

Upang mapabilis naman ang paghupa ng tubig baha lalo na sa mabababang lugar sa Metro Manila

Nag-upgrade ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng kanilang mga pumping station.

Pero problemado ang MMDA dahil tambak na basura ang bumabara sa mga pumping station.

Sa Pandacan sa Maynila, mano manong tinatanggal ng mga tauhan ng MMDA ang bumarang basura sa pumping station

Hindi gagana ng maayos ang pumping station dahil sa mga basurang inaanod mula sa mga kanal at estero.

Ang DPWH, inilunsad na noong nakaraang linggo ang mga bagong gawang pumping station.

Isa dito ang Luneta pumping station na inaasahang magpapahupa ng tubig baha sa ilang mga kalye sa Maynila.

Maayos ring gumagana ang flood gate sa Manggahan, Pasig. Binuksan ng MMDA ang walong gate upang makadaloy ng maayos ang tubig sa ilog.

Ayon sa MMDA, nakahanda ang lahat ng mga LGU sa pagpasok ng tag-ulan pero hindi ito sapat at kailangan pa rin nila ng kooperasyon at tulong ng publiko lalo na sa panahon ng kalamidad.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,