METRO MANILA – Naka self quarantine ngayon ang isang 24 na taong gulang na flight attendant sa Kalibo International Airport matapos makaranas ng mga sintomas ng Coronavirus.
Ayon sa aklan provincial health office ang nasabing flight attendant na hindi pa pinapangalanan ay galing sa Wuhan, China.
Isinailalim na rin umano ito sa check up at ipadadala nila sa Research Institute For Tropical Medicine Region 6, ang sample na nakuha sa nasabing flight attendant.
Samantala bumubuti na ang kalagayan ng 5-taong gulang na batang chinese na nasa Cebu na nakitaan ng sintomas ng Coronavirus
Pero nananatili pa rin ito isolation room kasama ang kaniyang ina habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri ng Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory sa Melbourne Australia kung anong strain ng Coronavirus ang tumama sa kaniya.
“Konting ubo wala na pong lagnat pero nakakapagtaka lang bakit yung nanay wala naman sintomas na ipinakita.” ami DOH Sec. Francisco Duque III.
Patuloy namang minomonitor ng Department Of Health (DOH) Region 7 ang 12-tao na nagkaroon ng close contact sa bata kabilang na ang mga medical personnel na nag asikaso sa kaniya.
Sa Mactan Cebu International Airport, 6 na handheld thermal scanner na ang ginagamit upang ma monitor ang body temperatures ng mga pasaherong dumating mula sa international flights.
“This is both international and domestic arriving flights advising
passengers that to prevent potential spread and transmission of the coronavirus
passengers who are experiencing flu like symptoms to make themselves known to a
member of the health authorities all ground staff upon immediate disembarkation
in Mactan Cebu.” ani GMR Megawide Cebu Airport Corporation Chief Executive
Advisor, Andrew Harrison
Pasusuotin na rin ng surgical mask ang mga airports staff na na in-charge sa
pasahero bilang proteksyon at may nakaantabay na medical team sa arrivals area
ng terminal 1 at 2.
(Gladys Toabi | UNTV News)
Tags: virus