Final Testing at Sealing ng VCMs isasagawa ng Comelec sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | February 28, 2016 (Sunday) | 1451

vote-counting-machines
Inaasahang isasagawa ng Commission on Elections ang final testing at sealing ng Vote Counting Machines o VCMs sa susunod na buwan.

Ipapadala ang mga ito sa ibang bansa na may Philippine post tulad sa Agana, Chicago, Honolulu, Los Angeles, New York, Ottawa, San Francisco, Toronto, Vancouver, Washington, London, Madrid, Milan, Rome, Hong Kong, Kuala Lumpur, Osaka, Seoul, Singapore, Tokyo, Abu Dhabi, Beirut, Doha, Dubai, Jeddah, Kuwait, Manama, Al Khobar, Riyadh, at Tel Aviv kung saan maaaring bumoto ang mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Batay sa Comelec Resolution No. 10051 dapat isinasagawa ang final testing at sealing ng mga VCM tatlong linggo bago ang pagsisimula ng voting period ng mga OFWs sa April 9.

Sa panahon ng testing at sealing, magkakaroon ng actual casting ng mga boto gamit ang sampung FTS-ballots na ipapasok sa mga VCM.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,