Filling ng Quo Warranto Petition vs Sen. Grace Poe sa SET, natuloy na ngayong araw

by Radyo La Verdad | August 6, 2015 (Thursday) | 1363

david
Tinanggap na ng Senate Electoral Tribunal ang Quo Warranto Petition laban sa Senator Grace Poe na humihiling na ipatanggal ito bilang senador.

Bitbit na ni dating Senatorial Candidate Rizalito David ang filing fee na 50 thousand pesos na kulang kahapon kaya’t hindi tinanggap ang kanyang petisyon.

Ayon kay David, nalikom niya sa mabilis ang 50 thousand dahil sa mga donasyon mula sa mga kaibigan, kabilang ang mga miyembro ng Kapatiran Partylist na kanyang naging partido noong 2013 senatorial elections.

Tumanggi naman magbigay ng pangalan si David.

Sa petisyon ni David sinabi nitong dapat matanggal sa pwesto si Poe dahil hindi siya kwalipikado na tumakbo bilang Senador dahil hindi siya natural born citizen at kulang ang years ng residency sa bansa.

Nagpasalamat naman si Sen. Grace Poe at sinabing magiging daan ito upang madepensahan ang sarili sa isyu.

Nanindigan din ito na siya ay pilipino at residente ng bansa.

Sa exclusive interview kay Atty. George Erwin Garcia, ang abogado ni Sen. Grace Poe, walang hurisdiksyon ang Senate Electoral Tribunal para desisyunan ang isinumiteng petisyon.

Dagdag pa ni Atty. Garcia, walang sapat na ebidensya upang patunayang hindi natural born citizen si Poe.

Hindi rin aniya maaaring makonekta ang isyu ng citizenship ni Senator Poe sa kakulangan aniya ng taon ng residency sa bansa. (Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: , ,