METRO MANILA – Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na huwag bumili ng mga gamot sa mga ilegal na online stores, sari-sari stores o mga drug outlet na hindi FDA-licensed.
Nagbabala si FDA OIC Oscar Gutierrez sa pagkalat ng pekeng COVID 19 drugs tulad ng Tocilizumab.
“Yung sa left po is the tocilizumab po na tunay, itong mga nakalagay na fake may nakalabgay na foreign mark, I dont know language ang fake ay nasa kanan, ito ay ini-inject mahalagang malaman ng tao na hindi mapatronize” ani FDA Dr. Oscar Gutierrez.
Ayon kay Gutierrez noong 2021, nakahuli sila kasama ang PNP at nbi ng 49 na nagbebenta ng ilegal na gamot.
Kaya si Pangulong Rodrigo Duterte may paalala sa publiko.
“Mga kababayan ko huwag kayong bumili ng medisina for use against covid, huwag kayong magbili ng medisina di lang sa sari-sari store, kundi fly by night, bukas lang walang masyadong pinagbibili, kaya yan ang problema, huwag kayong bumili” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Nais ni Pangulong Duterte na panagutin ang mga nagbebenta ng mga ilegal o counterfeit na gamot.
Kasunod nito ay may payo ang pangulo sa mga otoridad na nakakahuli na nagbebenta ng pekeng gamot.
“Yung mga fake na injectible kunin mo yung buksan mo, at sabihin mo dun sa CIDG o NBI, sayang man lang kahit fake, ipainom mo, ipainom mo dun sa mga…. Sabihin mo kung sino nag utos , sabihin mo ako pandagdag sa ICC”
Iniulat rin ng FDA kay Pangulong Duterte na nadagdagan pa ng isa ang naaprubahan nilang COVID-19 antigen self-testing kit.
“Meron pong nadagdag na home testing self-test kit so bali na tatlo na certified test kit, kung hindi ako nagkakamali gawa ata ito sa us” ani FDA Dr. Oscar Gutierrez.
Sa ngayon, nasa 3 brand na ang inaprubahan ng FDA na COVID -19 self-test kit.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: FDA