Facebook, ipauubaya na sa mga user ang privacy control sa kani-kaniyang account

by Radyo La Verdad | January 24, 2018 (Wednesday) | 5983

Mas padadaliin na ng Facebook ang pag-manage ng may dalawang bilyon nitong users sa kani-kanilang privacy settings for personal protection alinsunod sa mas pinahigpit na batas ng European Union na magsisimula sa buwan ng Mayo.

Ayon sa General Data Protection Regulation ng EU, papatawan ng 20 million euros na multa o 4 percent ng taunang kita, anoman ang mas malaki, ang sinomang kumpanya na mahuhuling ginagamit ang personal data ng kanilang employees sa hindi marapat na gamit.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng napabalitang monitoring ng mga kumpanya sa online personal actvities ng kanilang customers or mga empleyado na labag sa EU Data Protection Law.

Pero isa sa maapektuhan nito ay ang mga kumpanyang nangangailangan ng background checking gaya ng banko at insurance companies.

Aminado ang Facebook na kulang sila sa tao para mapigil ang pang-aabuso ng iba sa paggamit ng kanilang platform.

Kaya nagdesisyon ang kumpanya na magdagdag ng hanggang 20,000 na tauhan na tatrabaho ng safety at security services nila  bago matapos ang taong ito.

 

( Jovic Bermas / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,