Facebook, aminadong mahirap resolbahin ang isyu ng fake news

by Radyo La Verdad | March 16, 2018 (Friday) | 7301

Hamon pa rin sa bansa kung paano mapipigilan o mapapanagot ang sinoman na nagpapakalat ng fake news lalo na sa iba’t-ibang social media platform.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilang international law expert, lalabag na sa freedom of expression sakaling gumawa ng batas laban sa fake news.

Para sa mga opisyal ng Facebook, isa ito sa pinakamahirap na isyu na mahirap nilang maresolba sa kabila ng kanilang hakbang upang matanggal ang mga pekeng accounts.

Ilan naman sa pinag-aaralang rekomendasyon ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson Grace Poe ay ang higit na pagpapanagot sa mga kawani o opisyal ng pamahalaan na nagpapakalat ng fake news.

Dagdag ng senador, may mga umiiral na batas naman sa kasalukuyan na maaaring maging basehan upang masampahan ng kasong kriminal ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon upang siraan ang isang tao.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,