Face mask mandate, ibabalik ng Manila LGU kung tataas ang COVID-19 cases

by Radyo La Verdad | April 18, 2023 (Tuesday) | 4269

METRO MANILA – Maaaring ibalik muli ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mandatory na pagsusuot ng facemask, kung patuloy na tataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Ang pahayag ng alkalde ay matapos umabot sa 90 ang mga aktibong kaso sa lungsod, as of April 17, 2023 matapos ang long holiday.

Kung tutuusin, mababa naman aniya ang 91 active cases kumpara sa kabuoang populasyon ng Maynila.

Pero kung ihahambing ito sa active cases ng lungsod noong nakaraang Linggo na nasa 20 lamang, ay mataas-taas na rin ang idinami ng kaso.

Kung sakaling ibalik ang facemask mandate sa Maynila, ayon kay Mayor Lacuna-Pangan, posibleng gawin muna ito sa indoor setting.

Sa kabila naman ng bahagyang pagtaas ng kaso, hindi pa naman aniya ito nakakaapekto sa mga ospital ng lungsod.

Tags: ,