“Extreme Danger Level” na init, posibleng maitala sa ibang bahagi ng PH – PAGASA

by Radyo La Verdad | May 1, 2024 (Wednesday) | 13954

METRO MANILA – Inihayag ng State Weather Bureau PAGASA na posibleng makapagtala ng “extreme danger level” na init ng temperatura ang marami pang lugar sa bansa sa darating na mga araw.

Ayon sa ahensya, inaasahan na bababa ang heat index kasabay ng paghina ng El Nino phenomenon sa darating na June or July.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 67 heat related illnesses na nasa edad na 12 hanggang 21 ang naitala sa bansa mula January hanggang April 29.

Hinimok naman ng DOH ang mga paaralan na huwag nang magsagawa ng outdoor activities para maiwasan ang panghihina ng katawan ng mga mag-aaral dahil sa matinding init.

Tags: , ,