Expanded maternity leave bill, susi upang masugpo ang mataas na maternal mortality sa bansa – Health Experts

by Radyo La Verdad | February 27, 2018 (Tuesday) | 1916

 

Sa tala World Health Organization (WHO) mahigit 800 mga babae ang namamatay araw-araw dahil sa pagbubuntis at childbirth related complications sa buong mundo.

Nasa 114 na babae naman ang namamatay kada araw sa Pilipinas noong 2015.

Nguni’t ayon sa mga eksperto maaari itong masugpo sa pamamagitan ng 120-day expanded maternity leave bill sa Senado kaya naman suportado nila ito.

Anila hindi sapat ang 60 araw na maternity leave policy sa Pilipinas dahil maituturing na hindi pa fully-recovered ang isang nanay sa loob ng dalawang buwan.

Kailangan din na ma-kompleto isang ina ang anim na buwang pagpapa-breastfeed sa anak batay sa rekomendasyon ng mga eksperto.

Sa pamamagitan nito maiiwasan din ang newborn death.

Ayon pa sa mga health professional, tanging ang Pilipinas na lang sa ASEAN Region ang may 60-day maternity leave.

Samantala, pasado na sa third and final reading ang Senate Bill 1305 o ang 120-day expanded maternity leave law sa Senado subalit hinhintay pang maaprubahan ang bersyon nito sa Kamara.

 

 

Tags: , ,