EXCLUSIVE: Lupang pantambak ng China sa West Philippine Sea, galing umano ng Zambales

by dennis | April 30, 2015 (Thursday) | 8101
File photo
File photo

EXCLUSIVE – Galing ng Sta. Cruz, Zambales ang lupang ginagamit ng China sa pagreclaim ng ilang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang ipinahayag ng ilang grupo ng minero at concerned citizens mula sa nabanggit na lugar.

Sa isang panayam sa programang Huntahan sa Radyo La Verdad, sinabi ni Rolly Luna, National Vice President ng Buklurang Manggagawang Pilipino, na mula mismo sa Sta. Cruz, Zambales ang lupang ipinangtatambak ng China para makapagtayo ng istruktura sa pinag-aagawang teritoryo sa Bajo de Masinloc sa West Philippines Sea.

Aniya, may nakuha silang satellite images mula mismo sa Department of Environment and Natural Resources na nagpapatunay na sa Zambales nga kumukuha ng lupang panambak ang China.

Ayon pa kay Luna, alam mismo ng alkalde ng Sta. Cruz na si Consolacion Marty ang naturang operasyon. Resulta nito ang pagkatuyo ng mga ilog sa lugar at bumaba ang kanilang ani ng 25 percent dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig na manggagaling sana sa ilog.

Sa mga oras na ito ay kinukuha pa ng UNTV Radio ang panig ng Malakanyang, Armed Forces of the Philippines at DENR sa naturang isyu.(UNTV Radio)

Tags: , ,