Aalisin ng pamahalaan ang pagpapataw ng excise tax sa langis kapag umabot o humigit pa sa 80 dollars per barrel ang presyo ng petrolyo sa world market.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kokonsultahin muna nila ang Department of Budget at Department of Finance bago gumawa ng anomang hakbang.
Inatasan na rin aniya ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na bigyan ng kinakailangang tulong pinansyal at benepisyo sa mga pinakamahihirap na pamilyang apektado ng tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Tags: excise tax, LANGIS, Malacañang