Estudyante sa Caloocan City, makakapag-aral na sa kolehiyo sa tulong ng Serbisyong Bayanihan

by Erika Endraca | January 6, 2021 (Wednesday) | 4238

METRO MANILA – Pag-asang makatungtong ng kolehiyo ang inilalapit ni Mia Joy Odiver ng Caloocan City sa panayam sa kaniya ni Kuya Daniel Razon sa programang Serbisyong Bayanihan.

Humingi ng tulong ang dalagita dahil hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang.

Agad namang nagkapag-asa si Mia Joy nang malamang irerefer ni Kuya Daniel Razon ang kanyang request na makapag-aral ng Hotel and Management Restaurant sa La Verdad College – Caloocan.

Bukod ditoy, inilapit din ni Mia ang mga maintenance medicine sa hypertension ng kanyang tatay na nawalan ng trabaho habang isang tablet naman ang ni-request din ng teenager para sa kanyang nakababatang kapatid na lalake.

Maligaya namang tutugon sa pangangailangan ng SB caller ang grupo nila Brother Marlon De Jesa ng Members Church of God International sa Australia.

(April Jan Bustarga | La Verdad Correspondent)

Tags: