Eroplano na may sakay na 189 na pasahero, bumagsak sa karagatang sakop ng Indonesia ilang sandali matapos mag take-off

by Radyo La Verdad | October 29, 2018 (Monday) | 17204

Pinaniniwalang lumubog sa dagat matapos mag-crash ang isang eroplano sa Indonesia na may sakay na 189 na pasahero at crew. Hindi pa malinaw kung may survivors sa bumagsak na Lion Air Boeing 737 passenger plane.

Ayon sa tagapagsalita ng search and rescue agency ng Indonesia, nawalan ng contact ang Lion Air Flight JT-610 ilang minuto matapos magtake-off sa Jakarta dakong alas-sais bente ng umaga.

Nakita ang mga debris na pinaniniwalang galing sa bumagsak na eroplano na malapit sa isang refining facility sa Java sea.

Ang Lion Air ay isang budget airline na nakabase sa Indonesia.

Nakaantabay naman ang kaanak ng mga pasahero sa Jakarta airport.

Sa ngayon, maigting din ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa black box ng bumagsak na eroplano.

 

 

Tags: , ,