ERC officials, ipapakulong sakaling mapatunayang sangkot sa katiwalian – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | November 24, 2016 (Thursday) | 1441

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang naunang pasya na pagbitiwin sa pwesto ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission.

Ito ay matapos matanggap ang ulat ukol sa umano’y talamak na kurapsyon sa naturang ahensya.

Babala ng pangulo, kung patuloy na magmamatigas ang mga ERC official, hindi siya magdadalawang isip na buwagin ang naturang tanggapan at magtayo na lamang ng panibago.

Nagsimulang maungkat ang katiwalian sa ERC matapos magpakamatay si ERC Bids and Awards Committee Director Francisco Jose Villa Jr. dahil sa isyu ng kurapsyon.

Bukod sa ERC, gusto ring masuri ng pangulo ang ibang ahensya ng pamahalaan.

Isa sa mga gustong alisin ng pangulo ang pagkakaroon ng mga consultant kagaya ng ginagawa sa ERC.

Aniya kapag nangyari ito, malaki ang matitipid ng pamahalaan at magagamit ang maitatabing pondo sa ibang mas mahalagang bagay tulad na lamang ng pagdadagdag ng kagamitan ng mga pulis at sundalo.

(Victor Cosare / UNTV News Correspondent)

Tags: , , , ,