ERC Chairman Jose Vicente Salazar, sinuspinde ng panibagong apat na buwan dahil sa insubordination

by Radyo La Verdad | August 3, 2017 (Thursday) | 5968

Sinuspinde muli ng Malacañang si ERC Chairman Jose Vicente Salazar. Ito ay matapos na mapatunayan siyang guilty ng insubordination. Bunsod ito ng hindi pagsunod at pagkilala ni Salazar sa pagtatalaga ng palasyo kay ERC Commissioner Geronimo Sta. Ana bilang officer in charge ng komisyon.

Bukod dito, inaakusahan din si Salazar ng pag-iisyu ng mga kautusan ukol sa renewal ng pitong electric power purchase agreements nang walang ginawang konsultasyon. Nilinaw naman ng Malacañang na ang panibagong apat na buwang suspensyon ay hiwalay sa naunang ipinataw na 90-day preventive suspension noong Mayo.

Si Salazar ay una nang inakusan ng hindi pagsunod sa mga patakaran ng ERC sa pag-aapruba ng mga kontrata. Isa ito sa itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ni ERC Bids and Awards Committee Chairman Francisco Jose Villa noong Novembre  2016.

Samantala, sinusubukan pa rin naming kunin ang pahayag ni Salazar sa naturang usapin.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,