Enrile, nais palitan nang buo ang kasalukuyang Saligang Batas ng 1935 version

by Radyo La Verdad | September 22, 2022 (Thursday) | 1810

Ibalik ang 1935 constitution, ito ang suhestiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa 5th hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision Codes.

Mula sa 24 na mga iluluklok na senador, inirekomenda ni Enrile na doblehin ang bilang nito, at gawing 48 na mga senador.

At sa halip na anim na taon, dapat aniyang isagawa ang senatorial elections kada dalawang taon.

“Purpose of changing every 2 years was to be sure that 2/3 of all the senators must be in place at any given time so in case of danger or any kind of emergency  there must always be 16 senators that can be relied upon,” pahayag ni Enrile.

Sang-ayon din si Enrile na ibalik ang katagang “imminent danger” sa martial law provision ng konstitusyon.

Tags: