Sen. Juan Ponce Enrile, ibabalik na sa PNP General Hospital bukas.

by monaliza | March 18, 2015 (Wednesday) | 2336
IMAGE_MAR102015_UNTV-News_JUAN-PONCE-ENRILE

FILE PHOTO: Si Senator Juan Ponce Enrile sa isa sa mga medical check up nito. (UNTV News)

Nakatakdang ibalik sa PNP General Hospital si Sen. Juan Ponce Enrile bukas.

Ito ang sinabi ni PNP Health Service Spokesman P/Chief Inspector Dr. Duds Raymond Santos.

Ayon kay Santos, maayos na ang kondisyon ni Enriel kaya’t ibabalik na ito sa dati nyang kuwarto sa specialty ward sa PNPGH.

Si Enrile ay dinala sa Makati Medical Center ilang araw makalipas ang kaniyang kaarawan noong February 14 dahil sa pneumonia.(Lea Ilagan/UNTV News)

Tags: , ,