Emergency powers para kay Pangulong Duterte, malaki ang maitutulong para maibsan ang traffic sa Metro Manila – DPWH

by Radyo La Verdad | July 28, 2016 (Thursday) | 1274

DARLENE_VILLAR
Dalawang panukalang batas na ang nakahain ngayon sa Senado na layong bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sa kanyang State of the Nation Address noong Lunes, nanawagan si Pangulong Duterte sa Kongreso na bigyan siya ng dagdag na kapangyarihan upang maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Marami ang may agam-agam sa panukalang emergency powers ngunit para kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, makatutulong ito upang malayang makagpatupad ng mga hakbang ang pangulo.

Kumpiyansa rin si Sec. Villar na hindi aabusuhin ni Pangulong Duterte ang dagdag na kapangyarihan.

Sa pananaw naman ni Senator Cynthia Villar, mas mapapabilis ang pagpapatayo ng infrastructure projects kapag may emergency powers ang pangulo.

Samantala, siniguro naman ni Sec. Villar na mas pabibilisin nila ang paggawa ng infra projects sa bansa.

Asahan na rin aniya ang pagdami pa ng mga proyekto lalo na ang makatutulong sa pag-decongest sa traffic.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,