El Niño Warning System ng PAGASA, itinaas na sa alert level

by Radyo La Verdad | May 3, 2023 (Wednesday) | 7816

METRO MANILA – Tumaas na sa 80% ang posibilidad na  magkakaroon na ng El niño sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kapag may El niño, tumataas ang temperatura sa silangan at gitna ng dagat pasipiko.

Pero sa kanluran naman nito ay bumababa ang temperatura na nagreresulta ng pagkabawas ng ulang mararanasan sa Pilipinas.

 Ayon sa PAGASA, kahit na may El Niño ay makararanas parin ng maulang panahon kapag umiral ang habagat.

Dagdag pa ng PAGASA, kailangang umpisahan nang isagawa ang mga pamamaraan ng gobyerno para mabawasan ang posibleng maging pinsala ng El niño sa bansa pangunahin na sa agrikultura.

Kamakailan lang ay binuo ng Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang task force na tututok sa posibleng maging epekto ng El niño sa bansa.

Isa na dito ang kung paano matitipid ang pggamit ng tubig para may magamit sa mga panahong inaasahang mababawasan ang mga pag-ulan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,