El niño phenomenon, inaasahang makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang bahagi ng taon

by Erika Endraca | May 30, 2019 (Thursday) | 27686

Manila, Philippines – Inaasahang makakaapekto sa paglago ng ekonomia ng bansa sa unang bahagi ng taon ang El niño phenomenon.

Sa taya ng National Economic And Development Authority (NEDA), nasa 0.21% ang epekto ng el niño sa 2019 first semester economic growth.

Pero paglilinaw ng ahensya, tiwala pa rin silang maaabot pa rin ang  6-7% economic growth target para sa taong 2019.

Ayon sa neda gumagawa ng paraan ang pamahalaan upang maibsan ang epekto ng el niño sa agricultural sector ng bansa.

“With respect to el nino, we are implementing interventions, we are finding sources for those which are not funded by agencies regular budget” ani Neda Undersecretary Adoracion Navarro.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,