METRO MANILA – Ipinahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General at Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na maaaring makaapekto sa ekonomiya ng isang bansa ang nangyayaring gulo sa pulitika.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa gitna ng umiinit na palitan ng mga salita nina dating pangulong Rodrigo Duterte at President Ferdinand Marcos Junior at mga kaalyado nito.
Malaki naman aniya ang magagawa ng pagpapaunlad at pagpapalago sa pamumuhunan para mapanatili ang tatag ng ekonomiya ng bansa.
Sa ngayon ay nananatili sa 6.5% hanggang 7.5% ang target growth rate ng bansa para sa 2024.
Naniniwala rin ang Economic Managers ng Marcos administration na mas uusad ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapatupad ng mga mahahalagang polisiya at reporma ng pamahalaan.
Tiniyak rin ni Sec. Balisacan na patuloy na magsusumikap ang pamahalaan na magpatupad ng mga programa at reporma na lalo pang magpapasigla at magpapaangat ng ating ekonomiya.