Ekonomiya ng Pilipinas lumago sa unang quarter ng taon

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 3242

Sec.-Emannuel-Esguerra
Lumago ng 6.9% ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taong 2016.

Mas mataas ito sa 5% noong first quarter at 6.5% ng fourth quarter ng taong 2015.

Ayon sa National Economic Development Authority malaki ang ambag ng sektor ng industriya at services gaya ng mga call center industry sa paglago ng ekonomiya nitong first quarter.

Ngunit bagsak naman ang sector ng agrikultura dahil sa epekto ng el nino sa mga pananim at palaisdaan sa buong bansa.

Sa kabila nito nangunguna pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa sumusunod sa China, Vietnam, Indonesia at Malaysia.

Sa ngayon hindi pa masabi ng neda kung ano ang magiging lagay ng ekonomiya sa pagpasok ng administrasyon ni President–elect Rodrigo Duterte.

Bagamat tanggap ng mga nasa business sector ang 8 point economic agenda ni Duterte, ayon sa NEDA, depende pa rin ito kung paano mag re-react ang mga investor.

Upang hindi hilahin pababa ng sektor ng agrikultura ang ekonomiya ng bansa kailangang tutukan ng susunod na administrasyon ang pagtatayo ng mga tulay at kalsada

Ayon sa NEDA kung ibabase sa kasaysayan, hindi malaki ang epekto sa takbo ng ekonomiya ng bansa ang pagpapalit ng administrasyon.

Bago matapos ang taong 2016, kompyansa ang neda na mararating ang kanilang forecast na paglago ng ekonomiya ng 6.8 hanggang 7.8 percent.

(Mon Jocson/UNTV NEWS)

Tags: ,