Ekonomiya ng Pilipinas, isa sa pinakamabilis lumago sa Asya – Economist

by Radyo La Verdad | October 9, 2023 (Monday) | 3195

METRO MANILA – Nananatiling isa sa mga “pinakamabilis” lumago na ekonomiya sa Asya ang Pilipinas, kahit na may pagbagal sa paglakas nito sa ikalawang quarter ng taon, ayon sa isang eksperto.

Ayon sa Chief Economist ng Rizal Commercial Banking Corp. na si Michael Ricafort, ang ganap na pagbubukas ng ekonomiya matapos ang pag-alis ng pambansang estado ng krisis sa kalusugan dulot ng sakit na COVID-19 noong Hulyo ang syang nagtulak sa paglago at nagpalakas sa mga aktibidad sa bansa.

Maaaring rin umanong magkaroon ng downward adjustment sa growth targets, pero mananatiling ito pa rin ang isa sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa rehiyon dahil sa magandang status ng ekonomiya.

Nakita rin aniya na lahat ng industriya sa bansa, kabilang ang sektor ng turismo, ay muling bumangon na, at nagbubukas ng higit pang mga oportunidad sa trabaho.

Batay sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang updated employment rate sa bansa ay isa sa pinakamahusay sa 17 hanggang 18 taon.

Ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho ay tinatayang nasa 48.07 Million employed individuals, kung saan mas mataas ito kaysa sa iniulat na 44.63 Million noong Hulyo at 47.87 Million noong nakaraang taon.

Tags: ,