Ehemplong lider, kailangan sa kampanya laban korapsyon ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 1, 2016 (Monday) | 1297

EDWIN-LACIERDA
Binigyang diin ng Malacañang ang pangangailangan ng isang lider na hindi tiwali para masugpo ang korapsyon sa bansa.

Reaksiyon ito ng Malacañang sa pahayag ng Office of the Ombudsman na marami pa ring opisyal ng gobyerno ang nasasangkot sa katiwalian.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, kaya naman aniya sa ilalim ng Administrasyong Aquino ay marami nang naisampang kaso laban sa tiwaling opisyal ng gobyerno kahit anu pa ang kalagayan ng mga ito.

“The fight against corruption needs a leadership that is committed to live by example. Hence, under President Aquino, we have filed cases against several public officials, regardless of their status in government.” Ani Lacierda.

Kailangan aniyang maging huwaran ang bawat namumuno kahit hanggang sa pagkatapos ng termino ni Pangulong Aquino.

Sa ganito rin dapat aniya ipagpatuloy ng mga opisyal ng pamahalaan ang pagpupursige upang labanan ang anumang katiwalian sa mga ahensiyang kanilang kinabibilangan.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: ,