Economic partnership sa pagitan ng ASEAN at Amerika, nais palakasin ni U.S. Pres. Donald Trump

by Radyo La Verdad | November 14, 2017 (Tuesday) | 3005

Nagharap kahapon ang Association of Southeast and Nations Leaders at si United States President Donald Trump sa isang summit kahapon.

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng ASEAN ngayong taon ang patuloy na pagpapatatag ng relasyon ng ASEAN at Estados Unidos.

Bukod sa naunang pahayag kaugnay sa pagpapatatag ng ugnayan ng dalawang bansa, nais rin ni President Trump na palakasin ang relasyon ng pang ekonomiya nito sa ASEAN.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tinalakay rin sa dialogue ang isyu sa West Philippine Sea at tensyon sa Korean Peninsula.

 

( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,