Nagkaisang kinondena ng mga Economic leaders ang mga terrorist attacks na nanggyari sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa nabuong APEC 2015 Declaration, kinokondena ng APEC leaders ang lahat ng uri, paraan at manipestasyon ng terorismo sa buong mundo.
Nagbabala ang mga leader na hindi nila papahintulutang masira ang fundamental values na bumubuo sa malaya at bukas na ekonomiya ng rehiyon.
Napagkasunduan ng mga Economic leaders na ang isang paraan para mapigil ang terorismo ay sa pamamagitan ng economic growth, mga oportunidad at prosperidad ng mga bansa.
Hinimok din ng bawat isa ang bawat Economic leader na paigtingin ang kooperasyon ng international community laban sa terrosimo.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)