Pangulong Duterte, umapela sa mga sundalo na ipagpatuloy ang pagganap ng tungkulin dahil sa banta ng terorismo

by Radyo La Verdad | October 25, 2017 (Wednesday) | 2840

Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Change of Command at Retirement Ceremony ni Philippine Air Force Commanding General Edgar Fallorina.

Papalitan si Fallorina ni Lt. Gen. Galileo Gerard Kintanar na pinuno ng Western Command na responsable sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Sa talumpati ng commander in chief, umapela ito sa mga sundalo na magpatuloy sa pagganap ng kanilang tungkulin lalo na’t nananatili ang banta ng seguridad sa bansa partikular na ang terorismo at violent extremism.

 

Tags: , ,