Mas mabilis na processing at mababang bilang ng mga narereject na claims ang inaasahan ng PhilHealth sa pagpapasimula ng implementasyon ng electronic claims submission.
Sa pagtaya ng PhilHealth bababa sa 15 days ang processing sa mga claims sa PhilHealth kumpara sa existing process speed nito na 42 days.
Ayon kay Dr. Renato Limsiaco Jr., regional director ng PhilHealth, magagamit na ito sa mga government hospitals, Rural Health Units, City Health Offices at private health facilities sa buong region 8 simula sa susunod na buwan.
Una na aniya itong sinubukan sa Leyte at nakitang epektibo ang ganitong sistema.
Wala rin umanong inilabas na pera ang PhilHealth para pagdedevelop ng software na gagamitin sa programa.
Ayon sa PhilHealth, umabot sa 3.68 billion pesos ang claims ang nabayaran ng PhilHealth noong 2017, may anim na porsiyentong pagtaas kumpara sa 3.2 billion noong 2016.
Samantala, ayon naman kay Governor Mic Petilla, bago pa man manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013, ginagamit na ng probinsiya ang software na ito para sa mga transactions ng provincial hospitals.
( Archyl Egano / UNTV Correspondent )
Tags: E-claims, Philhealth, Region 8