Nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa nationwide survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong huling linggo ng Nobyembre, ilang araw matapos magdeklara ng kandidatura sa pagkapangulo ang alkalde.
1200 respondents mula sa iba’t ibang rehiyon ang pinapili batay sa tanong na ito: Kapag kabilang si Duterte sa listahan bilang substitute candidate sa pagka-pangulo, sino malamang ang iboboto mo kung isasagawa ang halalan ngayong araw?
Si Duterte ang numero unong kandidato para sa mga botante mula sa lahat ng socioeconomic class at sa lahat ng geographic areas.
Nakuha ng alkalde ng Davao City ang 38% ng mga botante, 17% na mas mataas sa nakuhang boto nina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay na kapwa nakakuha ng 21%.
Si Former Interior Secretary Mar Roxas ay nakakuha ng 15% samantalang si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay nakakuha lamang ng 4%.
1% sa mga respondent ang hindi pa makapagpasya.
Sa vice presidential race naman, nanguna si Sen. Francis Escudero na nakakuha ng 30%. Sinundan ito ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakakuha ng 24%.
Pumangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 21%.
12% lamang ang nakuha ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Tags: 2016 presidential elections, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, SWS survey