Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na walang overpricing ng bigas sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa pag-iikot ng ahensya sa ilang mga kalapit na bayan ng Marawi City, sinusunod naman ng mga negosyante ang Suggested Retail Price o SRP at sa umiiral na price freeze dahil sa Martial law.
Dagdag ni Lopez, ipinatutupad doon ang twenty five pesos kada kilo ng bigas ng National Food Authority o NFA at umaabot naman mula sa thirty hanggang fifty pesos ang presyo ng premium rice.
Nangako naman ang NFA na magdadala ng karagdagang suplay ng bigas kung sakaling kailanganin.
Tags: DTI, Marawi City, NFA