DSWD Region 5, naaalarma sa pagtaas ng kasong ng mga batang nasasangkot sa krimen sa Bicol Region

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 2899

ALLAN_DSWD
Nababahala ang Deparment Of Social Welfare and Development sa pagtaas ng kaso ng mga bata o minor de edad na nasasangkot sa isang krimen o yung tinatawag na Children in Conflict with the Law o CICL cases sa buong kabikolan.

Sa datos ng DSWD, mahigit isang libong kaso ng youth offenders sa buong region 5 ang naitala noong 2015.

Mas mataas ng 63 percent noong 2014 na may 652 kaso lamang.

Ayon kay Arwin Razo, Assistant Regional Director ng DSWD region 5, karamihan sa mga young offenders ay may edad 17 pababa at nasasangkot sa nakawan.

Samantala, umabot naman sa mahigit tatlong daan kaso ang naitala ng ahensya sa first quarter pa lamangng taong kasalukuyan.

Dagdag pa ni Razo na target ng kanilang ahensya ang pagsasagawa ng barangay counciling nang sagayun ay maturuan din nila ang mga magulang kung paano ang tamang pamamaraan sa pagpapalaki na kanilang mga anak na menor de edad.

Malaking bagay umano ito para mabawasan ang pagtaas ng mga batang nasasangkot sa krimen.

Sa talaan ng Philippine National Police nangunguna ang probinsya ng Albay sa may pinakamaraming kaso ng CICL, pumapangalawa ang lungsod ng naga na sinusundan ng probinsya ng Camarines Sur.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,