METRO MANILA – Mananatili ang kasalukuyang kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Junior.
Ito ay matapos ang pagkakasabat ng nasa P13-B na halaga ng iligal na droga sa alitagtag, Batangas noong Lunes (April 15) ng umaga.
Ipinagmalaki rin ng pangulo na walang namatay sa naturang operasyon.
Samantala, naniniwala naman ang pangulo na hindi ginawa sa Pilipinas ang mga nasabat na shabu.