Drainage system project sa Iloilo City, target tapusin ng DPWH bago sumapit ang tag-ulan

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 2702

LALAINE_DRAINAGE
Matagal nang problema ang matinding pagbaha tuwing umu-ulan sa Iloilo City.

Ilan sa mga lugar ng laging binabaha ang distrito ng Molo, Lapaz at city proper, brgy. Tanza bonifacio, brgy. Tanza timawa, front of Lapaz Market Area, John B. Lacson Molo Area, Molo Plaza, Gen. Luna, PNB, Atrium Area, Mabini and Quezon Streets
Tanza area, at Iloilo Mission Hospital.

Isa sa mga dahilan nito ang hindi maayos na drainage system kaya naiipon ang tubig.

Ginagawa rin umanong sanitary drainage o basurahan ng ilang establisimiyento ang sewerage na sana ay lagusan ng tubig palabas sa Iloilo river kaya nababarahan ang mga tubo at bumabaha.

Ayon naman sa Department Of Public Works and Highways, wala pa sa kalahati ang ginagawang comprehensive drainage system project kaya minamadali na nila itong tapusin bago sumapit ang tag-ulan.
Ang mga drainage pipe sa Iloilo City ay 1970’s pa itinayo kaya unti unti na itong pinapalitan ng DPWH.

P10M ang inilaang pondo ng pamahalaan ukol dito.

Umaasa ang DPWH na maiiwasan na ang matinding pagbaha sa syudad ng Iloilo kapag nakumpleto na ang proyekto kasabay ng panawagan sa publiko na magkaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,