Draft executive order kontra inflation, planong isumite kay Pangulong Duterte ng economic managers

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 3678

Isa sa mga mitigating measure ng economic managers ng pamahalaan laban sa high inflation o ang mabilis na antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa ang pagkakaroon ng direktiba ng punong ehekutibo.

Layon ng direktibang ito na gawing simple ang pag-proseso ng importation o pag-aangkat ng pagkain mula sa ibang bansa. Kabilang na rito ang mga produktong isda, karne, bigas, asukal at gulay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakdang isumite ng economic managers ang isang draft executive order sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito.

Samantala, inihayag naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ginawa nitong paghikayat sa mga manufacturing companies na huwag magtaas ng presyo sa mga basic necessities at prime commodities sa susunod na tatlong buwan.

Kabilang dito ang mga produktong canned sardines, canned meat, kape, gatas, instant noodles, tinapay at iba.

Samantala, wala pang inilalagay na kapalit si Pangulong Duterte sa nagbitiw na administrator ng National Food Authority (NFA) na si Jason Aquino.

Hindi naman inaalis ng Malacañang ang posibilidad na sampahan ng reklamo si Aquino hinggil sa kinaharap na suliranin sa suplay at presyo ng bigas sa bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,