Doubling Time at Critical Care Utilization, batayan ng rekomendasyon ng DOH para sa Quarantine measures

by Erika Endraca | May 13, 2020 (Wednesday) | 3011

METRO MANILA – Naging batayan ng mga eskperto ang bilis ng pagkalat o pag- doble ng COVID-19 cases sa mga lugar sa bansa upang matukoy kung alin sa mga ito ang dapat manatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), maisailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at maibaba sa General Community Quarantine (GCQ).

Pangalawa sa ikinonsidera ng DOH ang ang critical care utilization o ang kakayayhan ng mga lungsod sa pagtugon ng mga kritikal na kaso ng sakit.

Sa pamamagitan ng 2 batayan na ito, natukoy ng DOH ang dapat maisailalim sa low risk, moderate risk at high risk.

Sa low risk na kailangan sumunod lang sa minimum health standards, aabot ng 30 araw o mahigit pa bago domoble ang kaso sa kanilang lugar.

Ang mga lugar na nasa 7-30 araw naman ang case doubling time ay nasa moderate risk habang ang mga high risk area na nasa ilalalim ng modified ECQ ay may case doubling na less than 7 days.

Dati nang ipinaliwanag ng WHO na epidemiological situation o ang lawak ng saklaw ng pagkakahawa sa COVID-19 ang dapat maging batayan kung bawiin man ang ECQ o lockdwons sa mga lugar sa bansa.

“If you look at the curves, luzon outside ncr and mindanao. There actually has very very low levels NCR is still the epicenter, Visayas has becoming a hotspot.” ani Health Research Institution Epimetrics Inc. Founder \ Epidemiologist Dr John Wong.

Paliwanag pa ng mga eksperto, ikinonsidera rin nila ang kapasidad ng health system sa bawa’t lugar.

“Ang importante po sa atin ngayon ay atin pong maipatupad ang minimum health standards para po kung sakaling tayo po ay mag- transition sa pagre-relax po ng ating quarantine measures sa community ay maaari po tayong makaagapay without increasing infection.” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rrosario Vergeire.

Pakiusap ng mga eksperto sa publiko ay kooperasyon at unawa upang unti- unting mapapbaba ang kaso ng COVID-19 at mas dumami ang maka- recover sa sakit habang naghgihintay ng lunas o bakuna kontra COVID-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,