DOT, tinapos na ang kontrata sa DDB PH matapos ang isyu ng stock videos

by Radyo La Verdad | July 4, 2023 (Tuesday) | 10019

METRO MANILA – Tinapos na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa DDB Philippines, ang advertising agency na gumawa ng  “Love the Philippines” tourism campaign video, na naging kontrobesiyal, matapos gumamit ng stock footage ng ibang mga bansa.

Sa isang pahayag sinabi ng kagawaran, na bagaman humingi na ng public apology ang DDB at inako ang buong responsibilidad sa pangyayari, itutuloy pa rin ng ahensya ang termination proceedings sa kanilang kontrata sa nasabing agency.

Posibleng gumawa rin sila ng iba pang mga hakbang sakaling magdulot ng masamang epekto sa turismo ng bansa ang isyu.

Nauna nang humingi ng paumanhin ang DDB Philippines matapos nitong aminin na may stock videos sa bagong Love the Philippines campaign video ng DOT na inilunsad lamang noong nakaraang Linggo.

Tags: ,