Bagong tourism slogan ng Pilipinas na “Love the Philippines,” inilunsad ng DOT

by Radyo La Verdad | June 28, 2023 (Wednesday) | 1618

METRO MANILA – Inilunsad n Department of Tourism (DOT) ang bagong slogan para sa promosyon ng turismo sa bansa na “Love the Philippines”.

Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng DOT kahapon (June 27).

Ayon kay Tourism Secretary Cristina Frasco ang nasabing slogan ay nangangahulugan ng maraming mga magagandang tanawin sa bansa na dapat ay mahalin.

Umaasa ang kalihim na mas lalong lalago pa ang sektor ng turismo sa bansa dahil sa panibaong slogan.

Tags: , ,