Kaso ni dismissed Mayor Junjun Binay at iba pa, hahawakan ni Sandiganbayan 3rd division Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2710

SANDIGANBAYAN
Hawak na ng Sandiganbayan third division ang kaso ni dating Makati Mayor Junjun Binay.

Una nang sinampahang ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Junjun Binay ng six counts of falsification of public documents at dalawang beses na paglabag sa Section 3E ng Anti-graft and Corrupt Practices Act.

Nag-ugat ito sa umanoy maanomalyang Makati Carpark Project na nagkakahalaga ng 2.2 billion pesos mula 2007 hanggang 2013.

Pero ayon kay Binay, maliwanag na paninira lamang ang mga akusasyong ito upang pasamain ang kanilang pamilya at masira ang kandidatura sa pagkapangulo ng kaniyang ama na si Vice President Jejomar Binay.

Bukod kay Binay, 11 ring mga empleyado at opisyal ng Makati City Hall ang sinampahan ng kaso.

Kasabay nito ay naghain na ng kanyang piyansa si Binay upang pansamantalang makalaya habang diniding ng Sandiganbayan ang inihain kaso laban sa kanya.

Kasamang nagtungo ni Binay sa Sandiganbayan ang kanyang legal counsel na si Attorney Claro Certeza upang magpiyansa.

Aabot sa tatlumpung libong piso ang inihain piyansa ni Binay sa kada kaso ng graft habang talawampu’t apat na libo naman sa kada kaso ng pamemeke.

Muli namang iginiit si Certeza na parte ang lahat ng ito sa panggigipit sa mga Binay. Naniniwala rin ito na malakas ang laban nila sa kaso at na mapapawalang sala rin ang dating mayor.

Umaasa naman si Mayor Junjun Binay na magiging patas ang hatol ng hukuman sa mga ibinibintang sa kanya dahil siya ay inosente sa bagay na ito at hindi rin aniya makaka apekto sa survey o kandidatura ng kaniyang ama ang mga pangyayaring ito sa kanilang pamilya.

(Joms Malulan / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,