Pagbabasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona sa kasong perjury, ipinagpaliban ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 3897

RENATO-CORONA
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 3rd Division ang pagbabasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona sa kasong perjury.

Ito ay upang bigyan ng panahon ang prosekusyon at depensa na maghain ng comment at reply sa motion to quash na isinampa ng kampo ni Corona.

Naunang hinihiling ni Corona na idimiss na ang kaso dahil walang matibay na ebidensya laban sa kanya.

Dahil dito, iniurong muna ang arraignment ni Corona at itinakda ito sa March 30.

Sinampahan ng perjury case si Corona sa Sandiganbayan dahil sa umano’y underclaration sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth O SALN noong chief justice pa ito ng bansa.

(Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: , ,