May improvement pang inaasahan ang Department of Labor and Employment ukol sa local and overseas employment, bago matapos ang termino ng Administrasyong Aquino sa susunod na taon.
Ayon kay Sec.Rosalinda Baldoz, aabot sa 2.4 ang dagdag sa employment rate sa panunungkulan ng Pangulong Aquino lalo na ngayong patapos ang 2015 at maging sa unang bahagi ng 2016.
Inaasahan rin na makakamit ang target na mapababa sa 6.8-7.2 ang unemployment rate.
Ayon sa kalihim, patuloy ang investment ng pamahalaan at pribadong sektor sa infrastructure, BPO, ICT, tourism at manufacturing naman para sa lumalawak na oportunidad sa export industry.
Malaki rin ang tyansa na sa susunod na taon ay magkaroon ng wage increase ang mga obrero sa National Capital Region.
Para naman sa mga OFW, indemand parin ang mga engineer at architect lalo na sa middle east, ict at tourism sa singapore at mga health workers sa iba’t-ibang bansa.
Nananatili paring manning capital ang Pilipinas sa buong mundo para sa mga seafarer.
Ayon kay Baldoz, nakatuon din sila sa improvement ng skills ng mga ipinapadalang pinoy sa aboad kahit na ito ay isang domestic worker.
Nasa 3-5% ang nakikitang increase ng deployment ng OFW sa susunod na taon.
Pinayuhan naman ng DOLE ang mga uuwing OFW na bisitahin ang kanilang website na balik manggagawa online kung saan makikita ang mga hakbang kung paano nila maayos ang kanilang mga papeles bago pa man bumalik sa bansa.
(Rey Pelayo/UNTV Correspondent)
Tags: DOLE, local employment, OFW