METRO MANILA, Philippines – Pinirmahan na noong Lunes, May 1, 2019 sa mismong araw ng paggawa ang batas ukol sa Expanded Maternity Leave para sa mga manggagawang babae na manganganak.
Sa ilalim ng batas, lahat ng mga manggagawang ina sa gobyerno at private sector ay binibigyan na isandaan at limang (105) araw na paid maternity leave at karagdagang labing limang araw na paid leave para naman sa mga single mother.
“Dapat i-appreciate yan ng mga employer alam mo kung bakit. This expanded maternity leave is intended to improve and ensure the health of our lady worker. Ang mga employers, when they hire workers they rise on the basis of their competence and integrity, hindi yun sa buntis o sa ganda its on the confidence and integrity of the worker kaya yung dagdag na araw na kanilang leave it should not be a concern of our employer. Mayroon naman tayong inspectorial power pwede naming inspeksyunin yan atsaka may anti-gender discrimination law,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa Expanded Maternity Leave maaari ay pang mag-extend ng dagdag na tatlumpung (30) araw ngunit walang bayad, kung magbibigay ng writng notice ng mas maaga ng 45 days bago matapos ang maternity leave nito.
(Leslie Huidem | UNTV News)
Tags: Department of Labor and Employment, Expanded Maternity Leave Law, Sec. Silvestre Bello III
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com