DOJ, pinaiimestigahan ang nangyaring pamamaril sa isang inmate sa New Bilibid Prison

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1375

caguioa
Pinaiimbestigahan na ngayon ng Department of Justice ang nangyaring pagpatay sa bilanggo na si Charlie Quidato sa maximum security compound ng New Bilibid Prison kamakailan.

Sinasabing binaril si qQuidato ng kapwa nito bilanggo na si Ronald Catapang.

Kasama rin sa pinaiimbestigahan ang mga nakumpiskang armas,mga pampasabog at communication devices sa loob mismo ng detention facility ni Quidato at Catapang.

Sa inilabas na statement kanina ni DOJ Secretary Alfred Caguioa, inatasan nito si Bureau of Corrections Director General Ricardo Cruz III na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay ng insidente.

Nakatakda ring bumuo ng isang independent investigation sa ilang tauhan ng NBP at iba pang bilanggo na posibleng sangkot sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa loob ng bilangguan.(Joan Nano/UNTV Correspondent)

Tags: ,