DOJ, naglabas na ng lookout bulletin order sa 5 general na umano’y protektor ng illegal drugs operations

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 1119

DOJ
Naglabas na ng lookout bulletin order ang Department of Justice sa limang heneral ng PNP na umanoy protektor ng operasyon ng illegal na droga sa bansa.

Kinumpirma ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na inatasan na niya ang Bureau of Immigration na i-monitor ang pagbyahe sa labas ng bansa nina former Deputy Director General Marcelo Garbo, at Chief Superintendents Bernardo Diaz, Vicente Loot, Joel Pagdilao at Edgardo Tinio.

Kasama sa detalyeng pinakukuha ang destinasyon ng kanilang byahe sa labas ng bansa at kung kailan sila babalik sa Pilipinas.

Wala pang isinasampang kaso laban sa mga heneral kaugnay ng alegasyon ni President Duterte ngunit iniimbestigahan na ng NAPOLCOM sina Diaz, Pagdilao at Tinio.

(UNTV RADIO)

Tags: ,