Mga testigo vs. Sen. De Lima sa isyu ng illegal drug operation, hawak na ng DOJ

by Radyo La Verdad | August 25, 2016 (Thursday) | 2354

AGUIRRE
Hindi bababa sa lima o anim na testigo laban kay Senador Leila de Lima ang hawak ngayon ng Department of Justice.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, nagsumite na ng sinumpaang-salaysay ang mga testigo at idinadawit ng mga ito ang dating aide at driver ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan sa operasyon ng iligal na droga.

Si Dayan umano ang tumatanggap ng pera mula sa mga drug lord.

May ebidensiya rin umano ang DOJ na may ugnayan pa rin si De Lima sa dati niyang driver kahit tapos na ang eleksiyon.

Sa katunayan, nakita pa umanong magkasama sina De Lima at Dayan nitong nakaraang Hunyo.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,