DOJ Justice Boosters at GSIS Thunder Furies, kapwa tatangkaing makuha ang unang panalo sa UNTV Cup Executive Face Off

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 3646

Hindi man nagwagi sa kanilang debut game noong nakaraang linggo sa UNTV Cup Off Season Executive Face Off noong nakaraang linggo, naniniwala ang GSIS Thunder Furies na mayroon pa silang kayang i-improve sa susunod na salang nila sa hardcourt ng liga ng mga public servant.

Nakatakdaang sagupain ng Thunder Furies ang last off season third placer DOJ Justice Boosters sa first game sa linggo alas dos ng hapon sa Pasig City Sports Center.

Ayon kay GSIS headcoach Reneboy Banzali, desidido ang kanilang mga executives na magpakundisyon para sa susunod nilang laban.

Ang GSIS ay binubuo ng mga executives na may salary grade 26 to 31 at may edad na 41 hanggang 59.

Ayon pa kay coach Banzali, dalawang beses silang nag-eensayo kada linggo pagkatapos ng office hours.

Nangako naman ang Thunder Furies na mas magiging maganda ang kanilang performance sa susunod na laban.

Sasandig ang GSIS kina Romeo de Luna Jr. na tumikada ng 20 points at 12 rebounds at kay Rico Abrintos na nag-ambag ng 11 points at 10 rebounds sa kanilang laban sa Senate Sentinels noong nakaraang linggo.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,